LGU Logo
Republic of the Philippines

Pagsanjan Laguna

Philippine Standard Time:

UNDAS 2026 : LIBRENG TUBIG AT SOPAS

November 03, 2026
Sangunian Bayan
Featured Image
๐”๐ง๐๐š๐ฌ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”: ๐‹๐ข๐›๐ซ๐ž๐ง๐  ๐“๐ฎ๐›๐ข๐  ๐š๐ญ ๐’๐จ๐ฉ๐š๐ฌ, ๐ˆ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ ๐ข ๐ฌ๐š ๐’๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ซ๐ฒ๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ง๐ฃ๐š๐ง

Bilang bahagi ng paghahatid ng serbisyo at pagtugon sa pangangailangan ng publiko ngayong Undas 2026, inilunsad ng Pamahalaang Bayan ng Pagsanjan sa pangunguna ni Mayor Januario Ferry Garcia ang programang Libreng Tubig at Libreng Sopas sa Pagsanjan Municipal Cemetery.
Sa pamamagitan ng programang ito, nabigyan ng libreng inuming tubig at mainit na sopas ang mga Pagsanjeรฑong dumalaw sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay, bilang karagdagang tulong at serbisyo habang ginugunita ang Undas.
Nakiisa rin sa pagsasakatuparan ng programang ito ang bumubuo ng Sanggunaiang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Rod "Cocoy" Fernandez kasama sina Konsehal Nat Bernales, Konsehal Melvin Madriaga, Konsehal Noogine Pabilonia, Konsehal Vinz Gonzales, Konsehal Noel Cabela, at Konsehal Ronnie Leron bilang suporta sa mga inisyatibo ng lokal na pamahalaan para sa kapakanan ng mamamayan.
Taos-puso rin ang pasasalamat ng Pamahalaang Bayan sa mga kawani ng pamahalaan, mga boluntaryo, at sa lahat ng indibidwal na naging bahagi ng programang ito. Ang kanilang oras, pagsisikap, at pakikiisa ang naging mahalagang bahagi upang maisakatuparan ang serbisyong hatid sa ating mga kababayan ngayong Undas.
Sa bawat simpleng paglilingkod, naipapakita ang diwa ng malasakit at pagkakaisa para sa isang maayos at makabuluhang paggunita ng Undas 2026 sa Bayan ng Pagsanjan.
Serbisyong may malasakit, para sa bawat Pagsanjeรฑo!