LGU Logo
Republic of the Philippines

Pagsanjan Laguna

Philippine Standard Time:

LIGTAS NA UNDAS SA BAYAN NG PAGSANJAN

November 03, 2026
Sangunian Bayan
Featured Image
𝐔𝐍𝐃𝐀𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐏𝐀𝐒𝐀𝐒𝐀𝐋𝐀𝐌𝐀𝐓 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐍𝐀𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐓𝐔𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐍𝐀𝐓𝐈𝐋𝐈 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐀𝐘𝐔𝐒𝐀𝐍 𝐀𝐓 𝐊𝐀𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐒𝐀𝐍𝐉𝐀𝐍

Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang Pamahalaang Bayan ng Pagsanjan sa lahat ng naging bahagi ng operasyon ngayong Undas 2026.
Kabilang dito ang Pagsanjan Municipal Police Station, Bureau of Fire Protection (BFP), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), Philippine Red Cross Laguna Chapter 143 - Pagsanjan, Action Force, Traffic Personnel, Barangay Police Security Officers (BPSO), mga volunteers, kawani ng pamahalaang bayan at iba pang katuwang na organisasyon na naglaan ng oras at serbisyo para sa pagpapanatili ng kaayusan, kaligtasan at pagbibigay ng tulong sa publiko.
Sa pangunguna ni Punong Bayan Mayor Januario Ferry G. Garcia, katuwang ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, kinikilala ng Pamahalaang Bayan ang mahalagang ambag ng bawat isa sa maayos na paggunita ng Undas sa ating bayan.
Maraming salamat sa inyong dedikasyon, pakikiisa at tapat na paglilingkod sa Pagsanjan!