๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐: ๐๐ซ๐๐๐๐ก๐จ ๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฉ๐ข๐ญ ๐๐โ๐ฒ๐จ, ๐๐๐ญ๐ข๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฐ๐๐ญ ๐๐๐ ๐ฌ๐๐ง๐ฃ๐รฑ๐จ!
October 27, 2026
Sangunian Bayan
๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐: ๐๐ซ๐๐๐๐ก๐จ ๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฉ๐ข๐ญ ๐๐โ๐ฒ๐จ, ๐๐๐ญ๐ข๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฐ๐๐ญ ๐๐๐ ๐ฌ๐๐ง๐ฃ๐รฑ๐จ!
Bilang pagkilala sa sakripisyo at mahalagang ambag ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa kanilang mga pamilya at sa bayan, matagumpay na isinagawa ang ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ง-๐๐ก๐๐๐ฅ๐ฌ sa ๐๐๐ ๐ฌ๐๐ง๐ฃ๐๐ง, ๐๐๐ ๐ฎ๐ง๐ noong Oktubre 2, 2026, sa Old Municipal Grand Hall. Dinaluhan ito ng humigit-kumulang 138 kalahok, kabilang ang mga OFW, kanilang mga pamilya at mga Pagsanjeรฑo na nagnanais na malaman ang mga programang iniaalok ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Sa pambungad na pananalita, malugod na tinanggap ni ๐๐ง๐ . ๐๐จ๐ซ๐๐ฅ๐ฒ๐ง ๐. ๐๐๐ ๐๐ฅ๐๐ฌ, PESO Manager, ang pagdating ng programa at ipinahayag ang pasasalamat sa patuloy na pakikipagtulungan ng OWWA sa Pamahalaang Lokal ng Pagsanjan upang higit na mapalapit sa mga mamamayan ang mga serbisyong kanilang kinakailangan.
Nagbigay naman ng mahalagang mensahe an gating butihing Punongbayan, ๐๐ ๐ . ๐๐๐ง๐ฎ๐๐ซ๐ข๐จ ๐
๐๐ซ๐ซ๐ฒ โ๐๐๐โ ๐. ๐๐๐ซ๐๐ข๐, na nagpahayag ng pagkilala sa inisyatibang nagpapatibay sa ugnayan ng mga pambansa at lokal na ahensiya. Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, higit na nagiging abot-kamay ng mga OFW at kanilang pamilya ang mga serbisyong makatutulong sa kanilang kapakanan at kinabukasan.
Pinangunahan ang aktibidad ng ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ sa ilalim ng pangangasiwa ni Laguna Area Supervisor, ๐๐ง๐ . ๐๐๐ซ๐ข๐ญ๐ ๐. ๐๐๐ฅ๐ข๐ฌ at Family Welfare Officer ๐๐ง๐ . ๐๐ญ๐๐ฉ๐ก๐๐ง๐ง๐ฒ ๐. ๐๐๐ซ๐๐ณ, katuwang ang mga kawani mula sa ibaโt ibang unit ng Regional Office.
Ang ๐๐๐๐ ๐๐ง-๐๐ก๐๐๐ฅ๐ฌ ay higit pa sa paghahatid ng mga serbisyo sa komunidad. Isa itong patunay na ang paglilingkod ay nagiging mas makabuluhan kapag ang pamahalaan mismo ang lumalapit sa mga mamamayan. Sa pamamagitan ng patuloy na pagtutulungan ng OWWA at Pamahalaang Lokal ng Pagsanjan, naipadarama sa ating mga OFW at kanilang mga mahal sa buhay na ang kanilang sakripisyo ay kinikilala at ang kanilang kapakanan ay nananatiling mahalagang bahagi ng pagsusulong ng isang mas maayos at matatag na kinabukasan.
Recent Updates
Nov 03, 2026
LIGTAS NA UNDAS SA BAYAN NG PAGSANJAN
Nov 03, 2026
UNDAS 2026 : LIBRENG TUBIG AT SOPAS
Nov 03, 2026
MALIWANAG NA PAGSANJAN PUBLIC CEMETERY
Nov 03, 2026
๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐ฆ๐๐ก๐ ๐๐๐๐ง๐๐ฆ ๐ก๐ ๐จ๐ก๐๐๐ฆ!
Oct 27, 2026